Patunay dito na ang lahat ng regional races sa Luzon, Visayas at Mindanao ay humatak ng record ng mga kalahok na karamihan ay nagmula sa ibat ibang paaralan ang sumali sa pinaikling karera na 3K at 5K fun runs, kung saan ang huli ay magtatampok rin sa inter-school team competitions sa running at cheering.
At ito ang dahilan kung bakit ang Milo Marathon ngayong taon ay lumampas sa kanilang inasintang 50,000 kabuuang bilang mga runners sa gaganaping national finals sa Linggo na magsisimula at magwawakas sa Quirino Grandstand sa Luneta na lalahukan ng mga mahuhusay na runners na nag-qualified sa 42K marathon finals at fun run runners na karamihan ay mga mag-aaral mula sa Metro Manila schools sa 3K at 5K runs.
Inaasahan na isa sa dadagsa ang lahok sa parehong team running competition at paramihan ng bilang ng mga finishers ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Makati na noong nakaraan ay nagpadala ng libong mag-aaral, Fort Bonifacio High School at Sisters of Mary School sa Sta. Mesa ang maglalaban-laban para sa makulay na cheering competition ng event na ito na co-sponsored ng Bayview Park Hotel, Adidas, Ford Phils., Cebu Pacific at Department of Tourism.
Ang assembly para sa 42K run ay nakatakda sa alas-4 ng umaga na ang karera ay magsisimula sa eksaktong alas-4:30, habang ang assembly para sa fun runners na bubuuin ng maraming bulto na mahigit sa 6,000 entries ay alas-5 ng umaga at nakatakda ang starting run sa alas-6 ng umaga.
Mayroon ring 5K media fun run na bukas lamang para sa mga sports media mula sa nationally published broadsheet, tabloids at sports magazines na magko-cover ng Milo Marathon event bilang side competition para sa best articles at best photos.