Sa kabuuan, mayroon na ang mga manlalaro mula sa Southern Tagalog na nalikom na kabuuang 33 ginto na nagbigay sa kanila ng dalawang gintong kalamangan sa mahigpit na karibal na Manila na mayroong 31 ginto makaraang humukay lamang ng dalawa kahapon.
Naisubi ng Manila ang natatanging dalawang gintong produksiyon sa ikaapat na araw ng hostilidad mula sa dance sports event, habang muling ipinakita ng Laguna ang kanilang bangis sa gymnastic ng sumungkit ng apat na gold at isa sa karatedo.Bagamat, tuluyan ng napatalsik para sa karera ng overall title, taas noo namang uuwi ang Dagupan mula sa kanilang bayan matapos na tanghaling Most Valuable Swimmer si Carl Alipio Fernandez bunga ng kanyang nalikom na apat na ginto sa swimming event na siyang maximum para mapagwagian ng swimmers ang nasabing karangalan.
Nakisosyo rin sa karangalan ni Fernandez si Ryan Arabejo ng Manila nang tumapyas ito ng apat na ginto na tinampukan ng record-breaking performance.
Sa kababaihan naman, itinaas ni Remalyn Soriano, anak ng Ba-rangay Captain na si Renato at school teacher na si Emilyn ang kanilang bayan makaraang hiranging Most Valuable Athlete sa Athletics.
Si Remalyn ay tinanghal na pinakamahusay na manlalaro sa athletics dahil sa kanyang naisubing tatlong gold na ang dalawa nito ay isang record-breaking performance.
Hawak din ni Remalyn ang record sa long jump event makaraang tapyasin ang 2001 record na 4:31 sa kanyang tinalon na 4:85m at ang 200m dash nang kanyang tabunan ang 28.0 sa bagong marka na 27.0
Samantala, binawi na ni Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council ang lahat ng protestang inihain nila kontra sa Laguna.