Ang mga pararangalan ay pangungunahan ng mga gold medalist sa nakaraang Asian Games at world championships.
Ayon kay PSA president Bert Cuevas, naikasa na ng nasabing organisasyon na siyang pinakamatandang news organization sa bansa na itinatag noong 1949 ang kanilang kasunduan sa Holiday Inn para sa pagdaraos ng pinaka-prestihiyosong sports award sa Coral Ballroom ng naturang hotel sa UN Avenue, Manila.
Magsisimula ang awards night sa dakong alas-7 ng gabi na lingguhang weekly PSA Sports Forum ay itinataguyod ng Red Bull at Photokina kasama ang Holiday Inn, Pioneer Insurance at Agfa.
Ipri-prisinta ng PSA ang top award para sa Athletes of the Year na pagbobotohan ng mga regular members ng organisasyon. Ang top athletes ay pipiliin mula sa mga gold medalists ngayong taong Asian Games, South Korea at sa world championships.
Ang iba pang pararangalan ay ang Asian Games silver at bronze medalists at international champions sa ibat ibang sports.
Magbibigay rin ang PSA ng posthumous awards sa mga dating sports greats na suma-kabilang buhay na sa taong ito at ang mga corporate sponsors na nagbigay ng suporta para sa promosyon ng sports sa grassroots level o kayay sa training dito at pagbibiyahe ng national athletes sa labas ng bansa.
Noong nakaraang taon, pinarangalan sina Ambassador Andy del Rosario, dating Manila Standard publisher at dating sportswriters at Cotabato Gov. Manny Piñol, dating boxing columnist.