Pag-asa ng Shell nabuhay

Pumukol si Michael Hrabak ng pitong puntos mula sa kanyang kabuuang 24 puntos sa fourth period upang pangunahan ang tuluyan ng pagpapatalsik sa kontensiyon ng FedEx Express sa bisa ng 76-75 panalo kahapon sa pagpapatuloy ng Selecta PBA All-Filipino Cup sa PhilSports Arena.

Ang panalo ng Turbo Chargers, ikatlo matapos ang apat na talo ang nagbigay sa kanila ng panibagong pag-asa na makasama pa sa susunod na round matapos na makisosyo Ginebra at Purefoods TJ Hotdogs .

Kasalukuyang nakikipaglaban ang Hotdogs kontra sa Sta.Lucia Realty habang tinitipa ang balitang ito.

Tumapyas rin si Hrabak ng anim na rebounds, bukod pa ang 6-assists, isang steal at dalawang blocks.

Samantala, tatlong pangalan na lamang ang pagpipilian upang siyang pumalit sa babakantehing puwesto ni PBA Commissioner Jun Bernardino sa pagtatapos ng season na ito.

Ito’y sina dating PBA Chairman Rey Gamboa, dating Shell coach Chito Narvasa at ang broadcaster na si Noli Eala.

Ayon kay League chairman Butch Alejo, kinausap na niya ang nalalabing anim pang kandidato para sa nasabing puwesto, ngunit tanging sina Gamboa, Narvasa at Eala lamang ang nagpahayag ng kani-kanilang interes.

"One of the candidates beeged off while the other told me that he would sleep on it. I’m no longer going to divulge the names of these two. I still have to talk to the sixth candidate," pahayag ni Alejo sa isang press conference.

Kaugnay nito, dahil sa hindi kabilang sa listahan ang pangalan ni Renauld ‘Sonny’ Barrios, Executive director ng PBA sa pagpipilian para sa papalit sa nabanggit na puwesto, inihayag nito kahapon ang kanyang pagreretiro sa pagtiklop ng huling kumperensiya.

"Now that the Board has decided that the next commissioner will be a fresh face, I want to state that I accept and respect the decision of the board which has full and sole discretion on appointing the next comissioner," wika naman ni Barrios. (Ulat ni Maribeth Repizo)

Show comments