Isang naiibang birthday celebration para kay Vince dahil nagdiwang itong kasama ang mga orphanage sa White Cross sa may San Juan.
Ang concept na ito ay mula mismo kay Patricia na may foundation na itinatag ang " Everyday is your birthday foundation" na kanyang itinatag noon pang 2000.
Ang foundation na ito ay nagbibigay sa mga birthday celebrant ng kakaibang uri ng pagdiriwang ang makasama ang mga batang nasa orphanage na kanilang bibigyan ng pagmamahal at suporta.
At noong Linggo nga, ito ang inorganisa ni Patricia para kay Vince.
Lahat ng kaibigan ni Vince like, Dodot Jaworski, Noli and Maita Locsin, Red Bull coach Yeng Guiao, Red Bull team manager Tony Chua, Jay Mendoza , Erwin Velez at iba ay naroon para kay Vince. Lahat sila ay may dalang donations (instead of a gift) para sa mga kapus-palad na mga bata.
At hindi lang ito pati na rin ang parents and relatives ni Patricia ay naroon at may kanya-kanyang donations para sa mga kids na may edad 0 -12 years old. Ang mga dala at ibinigay na donations from sponsors and friends ay ang mga clothes, foods, sabon, shampoos, drinks, milk, medicines at maging diapers.
At kaya surprise kay Vince ay dahil wala siyang kamalay-malay sa ganitong klaseng selebrasyon. Akala kasi ni Vince kakain lang sila ni Patricia with her family on that day, pero yun pala ay may ibang plano si Patricia para sa kanya
Kaya naman hindi matawaran ang kasiyahan ni Vince nang araw na iyon dahil mahilig siya sa mga bata.
Marami ang nagbigay ng suporta para sa project na ito ni Patricia na kinabibilangan ng McDonalds, Bacolod Chicken Inasal, Nestle Phils., Unilever, And1, Killer Look Éyewear, Red Ribbon, Summit Publishing, Batang Red Bull, Viva-Vintage, Cadbury, Getz Brothers na nagbigay ng kanilang donations para sa White Cross Childrens Orphanage.
Mismong si Vince din ang nag-turnover ng mga donations galing sa mga sponsors na ito kay Sister Teresita na siyang namamahala ng White Cross.
At siyempre hindi rin nawala ang National Vince Hizon Fans club na nag-assists sa mga bata at ang mga relatives and friends nina Patricia at Vince.
Kaya pagkatapos ng party for the kids, nag-stay pa doon ang ilang friends nina Vince at Patricia at nagpunta naman sa nursery kung saan naroroon ang mga sanggol na mga walang magulang at nakipaglaro sa mga babies.
O di ba naiibang birthday celebration ito? Masarap ang feeling kapag may natutulungan ka at wala ng hihigit pang regalo dito.
At nagpapasalamat si Patricia sa lahat ng mga tumulong para maging successful ang birthday celebration na ito ni Vince.