Paragua, nakisosyo sa 3rd place

Tinapos ng Philippines ang kanilang kampanya sa World Youth Chess Championships 2002 nitong weekend sa Hersonissos, Crete, Greece sa tatlong panalo, isang draw at tatlong talo.

Nakipaghatian ng puntos si GM candidate Mark Paragua (ELO 2476) sa boys U18 champion na si GM Ferenc Berkes (ELO 2545) ng Hungary sa huling round upang ilista ang walong puntos na kagaya ng iskor ni Indian GM Pentala Harikrishna at Armenian Tigran L. Petrosyan at magsosyo sila sa third place.

Ngunit sa paggamit ng tie-break (Progressive Scores), pumangatlo si Harikrishna, pang-apat si Petrosyan at nasa pang-lima si Paragua.

Ang magandang performance na ito ni Paragua sa Greece at Bled Olympiad ang posibleng magbigay sa kanya ng rating na 2500.

Itinala nina Roderick Nava ang huling panalo ng Philippines nang kan-yang igupo si Jose Cabrejos Tovar (2193) ng Peru; hiniya ni Cheradee Char-dine Camacho si Marta Klemencic ng Croatia at tinalo ni Aices Salvador si Vanessa Feliciano ng Brazil.

At sa kababaihan, nagtapos lamang si Ca-macho ng 4.5 puntos at pang-54th mula sa 70th players sa field.

Show comments