Gaya na lamang ng nangyari sa Welcoat House Paints na nakalasap ng pagkatalo sa Montana Jewelers noong Sabado sa Tarlac State University Gym. Iyon ang unang pagkatalo ng House Paintmaster matapos na makapagtala ng tatlong sunud-sunod na panalo sa kasalukuyang Philippine Basketball League (PBL) Challenge Cup.
Sa tutoo lang, nang rumatsada ang Welcoat ay marami ang nagsabing mahirap talunin ang bagong koponang binuo ng mga team owners na sina Raymond Yu at Terry Que. Talagang desidido ang House Paint Masters na maging matindi ang kanilang comeback matapos na magkaroon ng one-conference leave of absence buhat sa PBL.
Biruin mong sa unang laro pa lang nilay pinaliguan na nila ang John-O na siyang nagkampeon sa katatapos na PBL-CBF Dual Meet. At marami na ang nag-akalang matibay ang John-O!
Dahil sa unang panalong iyon, marami ang nagsabing ang Welcoat ang siyang dapat na maging pamantayan ng ibang koponan. Dapat ay hanapan nila ng paraan kung paano mapipigilan ang mga tulad nina Romel Adducul, Eddie Laure, Mark Pingres, Ronald Tubid, Paul Artadi, Ronald Cuan, Ariel Capus at iba pang matitinding players na kinuha ni coach Leovino Austria.
Sabi nga ng karamihan ay malamang na ma-sweep ng Welcoat ang elimination round dahil sa lakas nito.
Pero hindi ganoon ang nasa isip ni Austria. Alam niyang kahit na malakas ang kanyang koponan ay hindi puwedeng masiguro ang mga panalo. Kasi ngay maraming factors ang puwedeng pumasok sa isang laro. Puwedeng magkaroon ng injuries ang kanyang key players. Pwedeng maunahan sila. Puwedeng magkumpiyansa sila at marami pang iba.
Katunayan, bago nakaharap ang Montana ay sinabi ni Austria na hindi puwedeng balewalain ang Jewelers dahil kumpleto din ang koponang ito. Isa pa ay mayroon ding winning streak ang Montana na kagaya nila.
Puwes, na-shock nga ang House Paintmasters dahil tinalo sila ng Montana sa overtime.
Bagamat masaklap ang pagkatalong iyon ay okay na siguro sa Welcoat ang karanasan nito sa Tarlac. Kasi nga, kahit paanoy nagising ang Paint Masters at na-realize na hindi basta-basta yuyuko ang kanilang kalaban - malakas o mahina man ang mga to!
Isa pa, mahirap talagang magpanatili ng malinis na kartada dahil sa karagdagang pressure lang ang ibinibigay ng hangaring ito sa isang koponan.
Ngayong may talo na ang Welcoat, hindi na sila pressured ng ibang bagay. Kumbaga, puwede na silang mabuhay tulad ng sinasabi ng karamihan sa mga basketball coaches.
Well take it one game at a time!