Bunga nito, nakabawi ang 18-anyos na si Paragua mula sa kanyang malamyang pagkatalo sa mga kamay ni Matthiew Cornette (ELO 2355) ng France sa 7th round at pagandahin ang kanyang record sa 5.5 puntos sa boys 18 and under category.
Sa kabila nito, nauwi naman sa draw ang laban ni National Master Roderick Nava na nanguna sa kampanya ng Mapua Institute of Technology (MIT) sa championship title ngayong taong NCAA kontra kay Alexander Utnasunov (ELO 2307) ng Russia upang makalikom ng 4.5 puntos.
Nauna rito, nakipaghatian rin ng puntos si Nava kontra Lucas Lias-covich (ELO 2312) ng Argentina sa 7th round ng boys 18 and under class.
Sa iba pang resulta, nabigo naman ang pambato ng Letran na si Vic Neil Villanueva (4.5) laban kay Dmytro Kononenko (ELO 2376) ng Ukraine sa boys 14 and under division, yumukod rin si Nel-son Elo Mariano III (4.5 puntos) sa kalabang si David Recuero Guerra (ELO 2082) ng Spain, habang nakipaghatian sa puntos si Loren Brigham Laceste kontra kay Mehyr Vladyslav sa boys under-10 bracket.
Sa kababaihan, ginapi ni Cheradee Chardine Camacho si Karmen Vourvahaki ng Greece sa girls under-10 class para makalikom ng 3 puntos, habang nadiskaril naman si Aices Salvador kay Marionna Chiereki ng Italy sa girls under-12 division.