Itoy isang bagay na ipinag-alburoto ng mga players na naka- takdang mag-renew sana sa 2003 at para na rin sa mga amateur superstar players na paakyat pa lang sa PBA sa mga susunod na taon.
Tanggap natin na mahirap ang negosyo ngayon at tutuong alam natin na nahihirapan ang mga PBA team owners sa pagmi-maintain ng kanilang mga teams dahil sa malaking suweldo ng kanilang players.
Pero kung tutuong nahihirapan ang mga PBA team owners kaya nagbaba sila ng mga suweldo ng mga players, kailangan nakahanda rin silang huwag nang kumuha ng serbisyo ng mga mamahaling imports.
Kung magbayad sila ng mga imports eh in dollars. At alam nyo naman kung gaano na kataas ang dollars ngayon. Tapos, dala-dalawa pa yan sa isang team.
Kung sincere ang mga PBA team owners sa kanilang pagtitipid, huwag na rin muna siguro silang magpa-import sa 2003 season.
Tutal naman, mas gusto ng mga basketball fans ang All-Filipino sa PBA!
Kapag next year eh dala-dalawa pa rin ang mga imports na kukunin ng mga PBA teams, ibig sabihin niyan, tinipid nila ang mga Pinoy pero magtatapon na naman sila ng mga dolyares sa mga imports!
Sina BJ, Manny at Miguel ay dating nakatira sa quarters ng La Salle pero nung lumaon ay nagdesisyon sila na kumuha ng isang condo na malapit rin sa La Salle. Share silang tatlo at para na silang magkakapatid na nagsama-sama.
Hindi inakala ni BJ na biglang mawawala ang kanilang kaibigan.
Mismong mga kamag-anak na ni player ang nagkakalat ng balitang ito.
Matagal na kasi nilang gustong mahiwalay si player sa kanyang asawa.
Nagtagumpay na rin daw sila finally!