Aabot sa mahigit 3,500 kabataang atleta at opisyal ang inaasahang dadayo sa nasabing siyudad na sa kauna-unahang pagkakataon na magiging punong abala ang Puerto Princesa ng nationwide sporting event na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).
Naisaayos ng PSC ang kasunduan para sa air at sea transport companies na magdadala sa Puerto Princesa gaya ng WG&A Super Ferry, Negros Navigation, Sulpicio Lines at Air Philippines para sa special discounts ng mga pamasahe para sa lahat ng Batang Pinoy delegates.
Dinomina ng Manila ang nakaraang taong edisyon ng Batang Pinoy sa Bacolod City na ang delegasyon ay nanalo ng 47 medalya, 22 ay golds at talunin ang Laguna na siyang nagkampeon sa event noong 1999 at 2000 edisyon ng Games.
Umabot na sa 2,000 delegasyon mula sa 49 local government units ang nagkumpirma ng kani-kanilang paglahok sa multi-sports competition na ito na para sa mga kabataang may edad 12 pababa, habang inaasahang magsusumite naman ang Mindanao delegates ng mahigit sa 1,000 entries bago sumapit ang Nov. 18 deadline.
Nakalinya sa mga sports na paglalabanan ay ang arnis, athletics, badminton, baseball, boxing, chess, dancesport, football, golf, gymnastics, judo, kartedo, lawn tennis, softball, swimming, table tennis, taekwondo, triathlon, volleyball, weightlifting at wrestling. (Ulat Ni Maribeth Repizo)