May tsansa ang 2 RP teams sa Asian Women's Beach Volleyball

CLARK, Pampanga – Kumpiyansa ang coach ng Philippine team na magpapakita ng aksiyon sa first Clark Centennial Cup Asian Wo-men’s beach volleyball championships na maganda ang ipakikita ng koponan na ayon sa kanya nakikita niya na ang dalawang koponan ay uusad man lamang kahit na sa playoffs ng mahigpitang kompe-tisyon na nakatakda sa puting buhangin ng Clearwater Country Club dito.

Ito ang ibinigay na pananaw ni Roger Gorayeb sa kabila ng mga mabibigat na kalaban at optimistiko siya sa tsansa ng dalawang RP team sa tournament na ito na inorganisa ng AYN Sports Management Group at suportado ng Speedo, Gatorade, Globe, Absolute, PSC at ng Philippine Star.

"Our initial goal is to at least make the playoffs, which I am confident we will," ani Gorayeb, na isa ring national indoor coach na kumpiyansa sa koponan nina Jennifer Bohawe at Sarah Faye Luna at ang tandem nina Cecille Tabuena at Helen Dosdos ay nakahanda na sa labanang ito.

Base sa tournament format, ang mga kalahok na koponan ay hinati sa dalawang grupo na ang top two teams mula sa bawat grupo ang siyang uusad sa cross-over Final Four. At dahil sa walang dalawang koponan na manggagaling mula sa iisang bansa na magkasama sa grupo sa eliminations, nararamdaman ni Gorayeb na kapwa uusad ang dalawang RP team.

Magsisimula ang nasabing tournament sa Miyerkules at na-katakdang dumating ang partner nina Bohawe at Luna sa Lunes kasama ang iba pang koponan na manggagaling sa ikalimang yugto ng nasabing circuit na kasalukuyang ginaganap sa Hong Kong.

Show comments