Lumangoy si Natinga ng tatlong gold medal kahapon, mula sa 50-meter butterfly, 200-m breaststroke at nagbigay ng kanyang bahagi sa 400-m medley relay dagdag sa kanyang naunang anim na gold medals upang panatiliing nasa kontensiyon ang Iligan City para sa overall title.
Sa kabuuan, ang Iligan City ay may 25 gold medals matapos huma-kot ng pitong swimming golds kahapon sa tulong nina Natinga, Nikko Michi Cao Hok (mens 50-m at 200-m back), Monique Bacolod (womens 100-m backstroke at Nianli Acain (womens 200-m butterfly). Napasakamay naman ng Davao City ang pangkahalahang pamumuno matapos humakot ng 10 gold medals kahapon para sa kanilang 27 gold medal na produksiyon, isang ginto lamang na agwat sa Iligan.
Humataw ang Davao City sa judo competition upang sa paghakot ng 13-gold medals mula sa 16 kabilang ang tatlo at anim sa athletics event sa pangunguna ng 19-gulang na si Roy Ocon na naka-dalawang gold kahapon matapos manguna sa 800-meter run at 1,500m run.
Bukod sa judo at athletics, nakadalawang gold din kahapon ang Davao sa chess competition, mula sa kanilang womens team at kay Angelu Dimakiling sa individual ladies at dalawa din sa badminton event kung saan naka-gold sina Donna Yu at Kathlean Anasco na nakapagsukbit din ng gold kamakalawa mula sa Ladies singles.
Dagdag pa rito ay may sa pang gold mula sa karatedo ang Davao mula kay Mila Romaquin sa womens kata.
May pag-asa rin sa overall title ang Misamis Oriental makaraan itong kumana ng anim na gold kahapon para sa kanilang kabuuang 20-gold medal haul. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)