Davaoeños humataw ng husto

CAGAYAN DE ORO CITY – Humataw ang mga Davaoeños sa ikalawang araw ng kumpetisyon kahapon ng Mindanao Friendship Games mata-pos humakot ng anim na gold sa judo event upang kunin ang pangkalahatang pamumuno sa 2nd Mindanao Friendship Games.

Inihatid ng mga kababaihang judokas na sina heavyweight Analyn Patindol halfheavyweight Ruth Dugadaga at middleweight Jennifer Ong kasama ang mga kalalakihang judokas na sina middleweight Therdie Escovilla, heavyweight Allen Delampagos at half-heavyweight Oliver Golosino ang anim na ginto para sa Davao kamakalawa para sa kabuuang walong gintong medalya ng Davao na nagbigay sa kanila ng liderato.

Ang magandang layunin ng Palarong ito na pagkakaisa ng mga Min-danaoans ay tila nawalan ng kahulugan nang magkaroon ng suntukan sa women’s basketball game ng Davao City at Misamis Oriental.

Nagkainitan ang mga players ng magkabilang panig, lamang ang Davao sa 43-20 na naging mitsa ng rambulan sa basketball court sa loob ng Don Gregorio Pelaez Center.

Dahil sa mga kaganapang ito, halos di napansin ang tagumpay ni Genevie Natinga ng Iligan City na may tatlong gintong medalya sa swimming competition kamakalawa. Si Natinga ay naka-gold sa 100-meter breaststroke, 100-m butterfly at isang record breaking performance sa 200-m individual medley.

Pumukaw naman ng pansin sina Leopoldo Andie ng Misamis Oriental at Wenah Barrios ng Agusan del Sur na gumawa ng record breaking performance sa men’s discuss throw at women’s javelin throw, ayon sa pagkakasunod.

Naghagis si Andie ng distansiyang 39.42 metro upang sirain ang marka ni Jhonald Romero ng Tangub City, 32.92m sa unang edisyon ng MFG noong nakaraang taon habang nagsumite na-man si Barrios ng 35.67m upang burahin ang record ni Jonalyn Pedrita ng Tangub City, 27.74.

Show comments