Hindi nagbigay ng prediksiyon si Pacquiao sa kanyang laban sa ginanap na press conference kahapon sa Marco Polo Hotel habang sinabi naman ni Fahprakorb Rakkiatgym sa pamamagitan ng interpreter na kumpiyansa itong mananalo sa laban.
Naabot ni Pacquiao ang 122 pounds na super bantamweight limit sa weigh-in kahapon ng umaga sa ilalim ng pangangasiwa ng IBF official at rating committee chief Daryl Peoples habang si Fahprakorb ay may bigat na 121 lbs.
Magkatulong na inorganisa nina North Cotabato Gov. Emmanuel Piñol at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang 16-million, 70-round show na ito na ipapalabas ng NBN.
Bilang appetizer, magsasagupa naman ang dating World Boxing Council (WBC) featherweight titlists Gregorio (Goyo) Vargas at ang local bet na si Chris Saluday sa 10-round bout.
Ang 27-gulang na si Fahprakorb na humawak ng WBF bantamweight title ng tatlong taon bago niya ito nabitiwan noong 1997 matapos ang pitong defenses para lumipat sa superbantamweight division ay may 32-panalo at 2-draw kabilang ang 23-knockouts.
Sa undercard, maghaharap naman sina Philippine superbantamweight title holder Jimrex Jaca at Vihok Jockeygym ng Thailand sa kanilang eight rounder habang magsasagupa naman sina Sydney olympian Danilo Lerio at Philip Parcon sa four-rounder.