MCC October edition isusulong

Susulong ang October edition ng Metropolitan Chess Club non-master tournament sa alas-9 ng umaga sa Linggo, Oct. 27 sa 3rd Flr., ng J & F Divino Bldg., na matatagpuan sa #967 Aurora Blvd., sa tabi ng St. Joseph Church malapit sa Anonas St. sa Quezon City.

Bukas para sa lahat ng amateurs, unrated, beginners at untitled players, ang isang araw na event ay gagamitan ng seven-round Swiss at may time control na 25-minutos sa pagpili ng top finishers.

Nakataya sa tournament na ito ang P15,000 na ang magka-kampeon ay magbubulsa ng top purse na P5,000 at tropeo. Ang 2nd, 3rd at 4th placers ay tatanggap ng P2,500, P1,500 at P1,000.

Mayroon ring naghihintay na consolation award na P500 sa mga top performer sa mga sumusunod na kategorya: 2100 below; 1900 below; unrated; kiddies (under-12) at under-16.

Kasalukuyan ng tumatanggap ng patalaan sa venue site c/o Peter Lim. Para sa iba pang detalye, tumawag sa 8268560 at 09168521069.

Show comments