Haharapin ni Manalo, kampeon sa FedEx netfest noong nakaraang linggo ang second seed na si Trudy Amoranto na nagtala ng 6-0, 6-0 panalo kontra kay Jia Alesis sa pagbabalik ng two-weekend event na ito sa Biyernes.
Sa boys 14-under category, pinayukod naman ng third seed na si Russell Arcilla Jr., si Dan Jeffrey Onate, 6-1, 6-1, tinalo rin ni Daniel Macalino si Tomic Apacible, 6-1, 6-3 at ginapi ni Joseph Baldonado si Jarryd Manduriao, 6-2, 6-2 upang makakuha ng quarterfinals berth sa event na ito na suportado ng Dunlop balls.