Una, nais niyang matabunan ang kanilang maagang pagkakasibak sa elimination ng first PBL-CBF Dual Meet sa Pasig noong nakaraang buwan.
Ikalawa, umaasa ang Cheeseballs na maipaghihiganti nila ang kanilang 58-59 kabiguan kontra sa Jewelers noong Biyernes ng gabi.
Inokupahan ng Regent-Shark at Montana ang No. 2 at No. 3 spot makaraan ang elimination round matapos na manalo ang Cebuana Lhuillier sa Skygo Riders, 70-63 na siyang nagbigay sa Jewelers ng unang spot, habang napasakamay ng Blu All Purpose ang ikaapat at huling puwesto matapos ang 93-72 panalo kontra Montana.