Umiskor si Arambulo ng 566 puntos upang maging kauna-unahang Filipinong medalist sa prestihiyosong tourney na ito na nilahukan ng 25,000 atleta mula sa 90 bansa na sumabak sa 24 events.
"Im so happy for being able to give honors to the country," pahayag ni Arambulo. "Im glad that my long preparations and training paid off."
Nagtala ang dalawang iba pang Filipino entries sa compound division na sina Adam Jimenez III at Gen. Jose Marlowe Pedrosa, ang delegation head ng 547 at 527 puntos, ayon sa pagkakasunod upang tumapos lamang ng ika-10th at 27th puwesto.
Pinana nina Australias Roy Stanton Homer at Peter Cave ang gold at silver medal sa kanilang parehong puntos na 570.
Tumapos naman ang nag-iisang kalahrve division na si Dr. Juan Ma. Pablo Nañagas ng pang-16th place matapos umiskor ng 489 puntos.
Ang RP compound archers ay nagsubi ng team silver sa Asian championships na ginanap noong nakaraang Disyembre sa Hong Kong at tatlong medalya pa sa Asian Grand Prix sa Chongzou, China noong nakaraang Hunyo. Nakopo rin ni Arambulo ang FITA gold at Olympic Round silver medal.