Ang tagumpay ng Cheeseballs ay kanilang nalasap matapos na pabagsakin naman ng Cebuana Lhuillier ang Montana Pawnshop, 76-62 upang wakasan ang kanilang tatlong sunod na pananalasa sa labang tinaguriang Battle of the Pawnshops.
Dahil sa kanilang panalo, ang Cheeseballs at Jewelers ay kapwa nag-iingat ng 3-1 kartada at kailangan na lamang nila ng isang panalo upang makaseguro ng slots sa semifinals.
Trinangkuhan ni Warren Ybañez ang Regent-Shark sa kanyang tinapos na 15 puntos na ang siyam nito ay mula sa pivotal 13-6 run na siyang naglagay sa Cheeseballs sa pangunguna.
Nagbanta ang Alcohol Masters sa 54-55 sa likod ng anim na puntos ni Gani Mercado may 3:50 ang nalalabing oras.
Subalit, nagpakitang gilas si Ybañez nang pangunahan niya ang tempo ng laro katulong ang rookie na si Reynaldo Mendoza upang iselyo ang tagumpay ng Cheeseballs sa 68-59, may 28 segundo na lamang ang nalalabi, bago naisalpak ni Lito Celiz ang tres para sa final score.
Sa iba pang laro, pinasadsad ng Skygo Riders ang GMC-Tortillos, 78-75.