Pacquiao handa nang harapin ang Thai challenger

DAVAO City – Handa na si Undisputed International Boxing Federation (IBF) superbantamweight king Manny Pacquiao ng Philippines na harapin ang kanyang challenger na si Fahprakorb Rakkiat-gym ng Thailand sa kanilang nalalapit na 12-round championship fight sa October 26, ala-una ng hapon sa RMC gym dito.

Sinabi ng 26-gulang na si Pacquiao na kundisyon na kundisyon na ito. "Gusto ko nga bakbakan na," wika ni Pacquiao na kasalukuyang nagte-training sa amateur boxing gym ng lungsod.

Nanggaling si Pacquiao sa dalawang buwang pagsasanay sa United States at ipinagpatuloy niya ang kanyang paghahanda dito.

Nakipag-sparring na ito ng mahigit 70-rounds. Siya ay kasalukuyang may timbang na 124 pounds, angat lamang ng dalawang libra sa weight limit ngunit sinabi ng kanyang trainer na si Nonoy Neri na hindi ito problema dahil makakapagbawas ng timbang si Pacquiao bago sumapit ang kanyang laban.

Show comments