Ang panalong ito ng Lhuilliers ang nagbigay buhay sa mga Cebuanos matapos matalo ang dalawang CBF teams sa Montana Jewels at Shark.
Tinalo ng Montana ang GMC Tortillos sa isang overtime game, 94-89 habang naging bayani naman ng Shark si Nelbert Omolon sa final period para sa 71-69 panalo kontra sa Skygo Riders.
Naghabol ang Blu sa 43-53 sa unang apat na minuto ng final period upang kunin ang 55-53 kalamangan matapos ang mainit na 12-0 run sa pangunguna ni Aries Dimaunahan.
Ngunit higit na naging mas mainit ang Bankers sa pangunguna ni Stephen Padilla na kumana ng tres at dalawa naman kay Junnel Maglasang upang kuning muli ang trangko sa 62-59, 1:01 na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Isang traveling violation ang nagawa ni Dimaunahan na lalong nagbigay ng kumpiyansa sa Lhuilliers lalo pat umiskor ng jumper si Jan Montalbo na nagselyo ng kanilang panalo matapos ang panigurong 64-59 sa huling 24 segundo ng labanan.
Sinikap pang maisalba ni Lou Gatumbato ang Blu nang umiskor ito ng dalawang free-throws mula sa foul ni Mon-talbo sa huling 17 segundo ng labanan para ilapit ang iskor sa 65-61.
Ngunit hindi nagkaroon ng tsansa sa game-tying triple ang Blu nang hindi nila nakuhang agawin ang bola kundi nakapagbigay pa ng foul si Tristan Codamon kay Maglasang na nag-split ng kanyang bonus shots na siyang nagselyo ng final score at nagkaloob sa Lhuilliers ng tagumpay.