2 RP title fight gaganapin sa Surigao

Magiging abala ang lalawigan ng Surigao del Norte sa dalawang Philippine title fights sa darating na Nobyembre 15 sa Surigao del Norte gymnasium sa Surigao City.

Pormal na nilagdaan nina Senator Robert Barbers at boxing promoter Gabriel ‘Bebot’ Elorde Jr., ang kasunduan noong Martes sa pagdaraos ng dalawang Philippine title fights ang Philippine Superbantamweight at Philippine welterweight championship.

Idedepensa ni Jimrex Jaca ng Cebu ang 122-pound title kontra Joel Junio ng Iloilo, habang makikipagbasagan naman ng mukha ang bagong kampeon sa welterweight na si Don Don Sultan at dating kampeong si Rey Pelonia.

Show comments