"Everybody is healthy, everybody is ready. They have already adjusted to the cold weather here," paunang salita ni Hung Sung Chon ng Philippine taekwondo.
Buo pa rin ang prediksiyon ni Hung na makaka-ukit ng 12 medalya ang kanyang 12 jins bagamat ang naturang sport ay forte ng mga Koreans.
"We will be able to picture our chances here after tomorrows draw," ani Hung kung saan nakatakda ang draw ngayong alas-3:00 hanggang alas-5:00 ng hapon sa Commodore Hotel at ang aksiyon ay magsisimula bukas sa Gudeok gymnacium.
Inaasahang makakakuha ng gold sina Alexander Briones, finweight Roberto Cruz at Eva Marie Ditan, welterweight Donald Geisler at Veronica Domingo, flyweight Tshomlee Go at Daleen Cordero, bantamweight Manuel Rivero Jr., middleweight Dindo Simpao, Sally Solis at featherweight Kalindi Tamayo. (Ulat ni DMVillena)