RP-5 di kinaya ang China

Busan -- Hindi kayang tibagin ng Philippine basketball team ang matibay na pader ng China makaraang tanggapin ang 92-51 kabiguan sa quarterfinal round ng basketball competition ng 14th Asian Games na ginaganap sa Geumjeong Stadium.

Mula sa mahinang panimula ng China kung saan nagtabla ang iskor sa 4-all, unti-unting gumana ang mga maiinit na kamay ng Chinese na sina Hu Weidong, Chen Ke at Gong Xiaobin para iparamdam ang kanilang presensiya sa tila namamalik-matang Pinoy at ilayo ang iskor sa 19-10 sa unang quarter na kanilang pinalobo sa 71-33 pagkatapos ng ikatlong canto.

Show comments