"Isa puwede," pahayag ni Co, dating world wushu champion nang tanungin hinggil sa prediksiyon kung gaano karami ang kayang maiuwi na ginto ng kanyang koponan. "But well try our best to win more."
Pinili ni Co, na nagretiro makaraang magwagi ng gold sa world championships sa Malaysia siyam na taon na ang nakakaraan sinuman kina Eduard Folayang o Rexel Nganhayna na lalahok sa saninto sa Wushu posible - Co Ro-sam-asam na gold.
"This is going to be a tough tournament," wika pa ni Co. "The Chinese and Vietnamese fighters are among the best in the world."
Labing-isang golds ang nakataya sa wushu na siyang mayamang pinagkunan ng medalyang ginto ng Philippines sa Southeast Asian Games simula pa noong 1991.
Makaraan ang apat na taon sa Bangkok Asiad, nagbulsa ang wushu ng dalawang silvers, isa mula kay Mark Robert Rosales, na nagbabalik sa koponan at ang isa ay mula kay Rolly Chulhang na nagretiro na.
Noong nakaraang taong SEAG sa Malaysia, humakot ang wushu ng apat na golds, dalawang silvers at apat na bronzes.
Ang iba pang kakampanya sa wushu ay sina Bobby Co, Joseph Pasiwat, Marvin Sicomen, Arvin Ting, Janice Hung, May Lim at Lily So.
Ayon pa kay Co, malaki ang tsansa ni May Lim na manalo ng medalya sa womens taijiquan.
Sina Rosales, Ting at Jani-ce Hung ay sasabak sa changquan, eentra naman si Bobby Co sa taijiquan, habang magpapakita ng aksiyon si Lily So sa nanquan at kakampanya naman sina Folayang, Nganhayna , Pasiwat at Sicomen sa sanshou medals.
Ang koponan ay handang-handa na sa labanan kung saan sumailalim sila sa isang mabigat na training ng apat na buwan sa China. At sa kanilang pagbabalik sa bansa, muli nilang ipinagpatuloy ang kanilang workout ng hindi bababa sa apat hanggang limang oras mula Lunes hanggang Sabado.