Unang gold magandang senyales

BUSAN, South Korea -- Gumaganda ang senyales para sa kampanya ng Philippine delegation sa ika-14th Asian Games bagamat madalang ang patak.

Salamat na lamang at may Paeng Nepomuceno at RJ Bautista na nakapaghandog ng kumikinang na gintong medalya noong Biyernes ng gabi makaraang magwagi ito sa men’s double ng naturang event na ginaganap sa Home-plus Bowling Alley.

"It’s a good sign," pahayag ni Celso Dayrit, pangulo ng Philippine Olympic Committee.

Umaasa si Dayrit na magiging maganda ang resulta ng kampanya sa mga susunod na araw at naghihintay pa ng gintong biyaya na magmumula uli sa bowling, billiards, golf at maging sa wushu sa susunod na linggo pa magsisimula ang kompetisyon.

"There are still nine days of competition left, and we’re very optimistics that we will meet our target of 4 to five golds," dagdag pa ni Dayrit.

"I hope the gold of Paeng Nepomuceno and RJ Bautista in bowling doubles is a good sign," pagtatapos niya.

Ang Philippine ay nagtapos ng may 1 gold, 5 silvers at 12 bronzes sa nakaraang Bangkok Asiad.

Ang gold ay mula sa tambalang Romeo Villanueva at Gandy Valle sa men’s double ng 9-ball billiards. (DMVillena)

Show comments