Ang 24-anyos na si Ta-namor ay umusad sa quarterfinals kung saan makakaharap naman niya ang Indian fighter na si Ali Qamar na nanaig kay Pakistan Hafeez Imran sa pamamagitan ng RSC-points, 12-1.
Hindi naman kasiya-siya ang pasya sa kabiguan ng 22-anyos na si Ca-mat na sa tingin ng karamihan ng kasaling bansa ay may bahid ng politika.
Kutob ng karamihan, nahaluan ng politika ang kabiguan ni Camat sa Pakistani dahil ang pangulo ng AIBA na si Prof. Anwar Chowdry ay isang Pakistani at ang asawa nito ay isang Korean national na inaasahang nagkaroon ng hometown decision para sa host country.
Sa pagkatalo ni Camat, anim na Filipino boxers na lang ang nalalabi at mas matinik na daan ang tatahakin dahil sa mas bigayin at de-kalibreng boksingero ang kanilang makakalaban.
Aakyat ngayon sa ring si Violito Payla sa flyweight division kontra kay Tulashbov Doniyorov ng Uzbekistan. (Ulat ni DMVillena)