Doble selebrasyon para sa Lyceum at Miriam

Doble ang naging selebrasyon ng Lyceum of the Philippines at Miriam College nang kanilang makopo ang basketball at volleyball titles sa WNCAA Adidas sa Rizal Memorial Coliseum.

Namuno rin ang Assumption College sa midget division (basketball) at St. Benedict College (volleyball).

Dumaan sa extra period ang Lyceum bago nila pataubin ang College of St. Benilde, 79-77 sa basketball habang kanilang pinasadsad ang Assumption-Pampanga para sa ikalawang sunod na titulo sa volleyball, 25-13, 25-20, 18-25, 25-20.

Sa high school division, naidepensa ng Miriam ang kanilang basketball title nang kanilang igupo ang La Salle Zobel, 77-57 na kanila ring tinalo para sa volleyball title, 25-11, 25-17.

Show comments