Unang makakaliskisan ang movie actor na sina Richard Gomez at Avelino Victorino na eentra sa epee at Rolando Canlas Jr., at Emerson Segui na sasabak sa foil events.
Kumpiyansa at nakahanda na ang 6-foot-1 na si Gomez, gold medalist sa SEAF (Southeast Asian Fencing) championships noong 1998 at silver winner sa Southeast Asian Games noong nakaraang taon sa Kuala Lumpur.
"But I know its going to be difficult winning here. Some of the best fencers in the world are competing and just to finish among the top eight will already be an achievement," ani Gomez.
Sumang-ayon rin si Segui na ngayon ay nasa kanyang ikalawang Asian Games stint sa pananaw ni Gomez.
"We need a lot of exposure and though we trained for two weeks in China last month, I think we would still have our hands full against the Chinese and the Koreans, who consistently win medals in the Olympics," dagdag pa ni Gomez.
Pareho rin ang iniisip nina Canlas, 20-anyos physical education major sa University of the East at ng 21-gulang na si Victorino mag-aaral sa FEU na mahigpit ang kompetisyon kung saan ito ang kanilang kauna-unahang paglahok sa Asiad, pero ang dalawa ay dating Asian Youth competitor at medalists sa SEAF. (Ulat ni DMVillena)