Pinoy athletes puwedeng i-e-mail

BUSAN – Maaari nang maipaabot ng mga sports fans ang kanilang suporta at iba pang mensahe sa mga Filipinong atleta na sasabak sa 14th Asian Games dito sa pamamagitan ng e-mail sa phinoc14asiad@ya-hoo. com.

"Athletes can be contacted through e-mail at the (Philippine) Olympic Committee office at room 301, bulding 103," pahayag ni RP delegation chef de mission Tomas Carrasco Jr.

Nagsimulang dumating dito ang mga miyembro ng RP delegation noong Linggo para sa 17-araw na Asiad na nilahukan ng 43 miyembro ng Olympic Council of Asia (OCA) kabilang ang bagong independent na East Timor.

Ang pinakamalaking batch ng RP contingent na may kabuuang 115 katao ay nakatakdang dumating kahapon ng gabi na kinabibilangan nina PSC Chairman Eric Buhain, Commissioner Leon Montemayor kasama ang koponan ng swimming, cycling, equestrian, fencing, golf, gymnastics, judo, sepak takraw, shooting, softball at weightlifting.

Show comments