Ito ang pagbati ng mayor ng Busan Asian Games Athletes Village na si Wang Sang-eun nang kanyang salubungin ang Philippine delegation sa kanilang living center kahapon ng umaga sa flag raising ceremony sa Flag Plaza.
"This is an important occasion... for this (flag raising) ceremony officially recognizes our presence here," wika naman ni RP chef de mission Tomas Carrasco Jr. sa 15-minutong programa na dinaluhan ng mahigit 20 Filipino athletes sa pangunguna ni equestrian rider Mikey Cojuangco-Jaworski at ng mga boxers.
"More than our participation (sa Asian Games), our presence in the 17-day competition gives true meaning to our governments sincere appreciation of its long ties with our country," dagdag ni Carrasco.
Iniabot ni Fil-Am boxer Christopher Camat ang RP flag sa Korean volunteer na siyang nagtaas ng bandila habang tinutugtog ng banda ang pambansang awit. Nagpalitan ng regalo ang village mayor at si Carrasco pagkatapos nito.
Karamihan sa 40 Filipino athletes na narito ay hindi dumalo sa sere-monya upang pagtuunan ng pansin ang kanilang training na kinabibilangan ng archers, rowers at ang fourman sailing team na kinabibilangan nina Ridgely Balladares, Rommel Chavez, Joseph Jayson Villena at Lealyn Taroja.
Ang all-pro RP basketball team ay nakatakdang dumating kahapon mula sa Manila habang ang malaking bulto ng delegasyon na aabot ng 115 katao ay darating ngayon.
Ang mga atleta mula sa ibat ibang bansa kabilang ang North Korea ay maglalaban-laban sa kauna-unahang pagkakataon sa international sports event na gaganapin sa South Korea.