Nagpamalas naman ang defending US Open champion na si Corey Deuel ng mahusay na paglalaro upang idispatsa ang minalas na si Immonen, 5-1, 5-4 at itakda naman ang kanilang semis match ni Reyes.
Makaraan ang kanilang mahigpit na tunggalian sa opening set at ang iskor ay tabla sa 4-4, lumaro si Reyes ng mahusay na 6-foot-9 kum-binasyon, subalit nanghinayang ang mga manonood nang ang cue ball ay dahan-dahang gumulong pababa sa lamesa at napunta sa corner pocket kung saan sina Reyes at Bustamante ay kapwa di makapaniwala.
Gayunman, nasiyahan naman si Bustamante sa kanyang magandang kapalaran at sinabi nitong "anything can happen in pool." Napagwagian rin ni Bustamante, winner ng limang major tournaments ngayong taon ang second set, 5-1.
Maaga pa lang ay ipinakita na ni Deuel ang kanyang galit nang sunggaban ang 3-0 kalamangan, bago naibulsa ni Immonen ang three balls sa break upang hatakin ang 3-1, iskor.
Mula sa 4-1 pangunguna, isang 3-9 kumbinasyon at mintis ni Immonen ang nagbigay daan kay Deuel upang tapusin na ang laban sa 5-1.
Ang mananalo sa event na ito ay mag-uuwi ng $10,000, habang ang runner-up ay pagkakalooban ng $7,500 at ang losing semifinalist ay bibigyan ng tig-$5,000 na handog ng Viva Vintage Sports at Puyat Sports.