RP team sa Asian Games makikipagkita kay GMA

Nakatakdang makipagkita ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 14th Asian Games sa Busan, South Korea sa Malacañang upang ipakita ang kanyang buong suporta.

Nakatakda ang send off ceremony ngayong alas-11 ng umaga sa Palace’s Heroes Hall na inaasahang dadaluhan ng 218-athlete delegation na makikipagtunggali sa quadrennial event kung saan ang South Korea ang siyang host sa ikalawang pagkakataon matapos ang 14-taon. Iho-host ng Koreans na huling naging punong abala sa 1988 Games sa Seoul ang nasabing event sa southern city ng Busan mula September 29-October 14.

"We appreciate the President’s gesture of sending off the team because her blessing is one precious boost our athletes need when they do battle in the Asian Games," pahayag ni Eric Buhain, chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Tangka ng Pambansang koponan na malampasan ang isang gintong medalyang pagtatapos ng RP delegation noong 1998 Bangkok edition.

Show comments