John-O vs Hapee-Cebu

Kakaliskisan na ng Regent Cheese Ball-Shark at John-O ang tikas ng dalawang Cebu teams sa pagbubukas ngayon ng 1st PBL-CBF Dual Meet sa Makati Coliseum.

Unang sasabak sa aksiyon ang Regent Cheese Ball-Shark kontra Skygo Riders sa unang laro sa dakong alas-3 ng hapon, bago susunod ang engkuwentro ng John O at Hapee Toothpaste-Cebu sa alas-5 ng hapon.

Isang maikling seremonya ang inihanda na pangungunahan ni PBL Commissioner Chino Trinidad at PBL Chairman Dioceldy Sy at ng mga opisyales ng Cebu Basketball League bago simulan ang nasabing tournament.

Bahagyang paborito ang Regent-Shark na manalo dahil sa pagkakaroon nila ng mabigat na lineup.

Show comments