Sa mga nagpi-predict na tiyak nang San Sebastian College at St. Benilde na ang finals, aba teka muna.
Dont count PCU out. Not yet. Not as of today. Ang pagkapanalo ng Dolphins sa Blazers nung Miyerkules eh malaking patunay na kaya rin nilang makarating sa finals.
Mamaya, sa kanilang do-or-die match, tiyak na matinding labanan ang masasaksihan.
Matira matibay. Matira ang mas may puso at mas may matibay na dibdib.
Pakikialaman na raw ni Senator Robert Jaworski ang patuloy na pagdagsa ng mga Fil-Ams at imports sa PBA.
Maraming mga local basketball players ang matutuwa niyan.
At sana ituloy ni Sen. Jaworski ang kanyang pina-plano tungkol diyan.
Pansinin nyo nga kung ano na ang nangyayari sa mga rookies na na-draft ng PBA ngayong taon na ito?
Bukod sa kakaunti na nga ang nakapirma, halos wala pa ring maganda ang ipinapakita. Kumbaga, sobra-sobrang natabunan na sila.
For the past few years, maraming PBL players at college players ang natatapos ang kani-kanilang mga basketball careers dahil sa hindi sila nakakarating sa pangarap na makatuntong sa PBA.
Ang dahilan?
Wala na silang lugar sa PBA dahil sa dami ng Fil-Ams at imports.
Obvious na obvious yan sa pagbagsak ng crowd attendance sa mga coliseums. Humina na rin ang benta ng mga merchandising materials ng PBA.
Bakit. Wala na halos ang bagong idolo sa PBA ngayon.
Pagkatapos ng pagsikat ni Danny Ildefonso, wala na yatang sumusunod sa kanya.
And unless the people from the PBA realize this, unti-unting mamamatay ang liga ng hindi namamalayan.
Tingnan mo nga semplang na ang kanilang takilya, semplang pa rin sa rating sa television.
Hihintayin pa muna ang desisyon ng Ana Freezers kung sasali pa sila o hindi na.
Marami nga namang inaabangang players ang Welcoat sa lineup ng Ana kaya importante sa kanila kung ano talaga ang fate ng Ana team sa PBL.