"I believe 50% or more of my prediction would come from the 'three Bs -- boxing, billiards and bowling - and from taek-wondo and wushu," wika ni Carrasco.
Si Carrasco ang namuno sa screening ng 327-man RP delegation gayundin sa preparasyon ng atleta na sasabak sa Asiad na mag-sisimula sa September 29 hang-gang Oktubre 14.
"But my prediction would still hinge on the fact that the coaches of these sports should be following to the letter their programs for their athletes," dagdag ni Carrasco. "It not, then I would be wrong."
Lima hanggang pitong golds lamang ang inaasahang makukuha ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain at Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit.
Ngunit kahit hindi matupad ang mga prediksiyong ito, kahit makapag-uwi ng dalawang ginto lamang ang RP delegation ay isa na itong malaking tagumpay.
Ang dalawang gintong ito ay inaasahang maibibigay nina Efren "Bata" Reyes at Francisco Djanggo Bustamante.
Noong 1998 Bangkok Asiad, naisalba nina Romeo Villanueva at Gandy Valle ang bansa sa kahihiyan nang kanilang masungkit ang ginto sa billiards bukod pa sa dalawang silver at walong bronzes.
Noong 1994 Hiroshima Games, ang Philippine team ay may tatlong golds na lahat ay galing sa boxing, pitong silver at 12 bronzes.
Sa September 26 aalis na patungong Busan ang bulto ng 126 atleta ngunit ang advance party sa pangunguna ni Carrasco ay aalis na bukas habang ang unang batch ng mga atleta at opisyal ay lalarga sa September 22.