Ang panalo ay nagdala kina Baccay at Gawad na maka-entra sa national finals ng Milo Marathon sa Manila sa Disyembre, bukod pa ang P10,000 na premyo sa event na nilahukan ng mahigit sa 3,000 runners na karamihan ay mga mag-aaral ang lumahok sa 3K kiddie run at 5K fun run.
Nagawang makipagsabayan ng 35-anyos na si Bac-cay, second placer noong nakaraang taon sa 5K run at nakabase sa Camp Upi sa Isabela sa lead pack bago kinuha ang trangko sa kaagahan ng karera kung saan kumawala siya sa huling 7 kilometro upang tahaking mag-isa ang finish line sa tiyempong 1:12:01.
Nadiskuwalipika naman ang second placer na si Ribel Canelas, miyembro ng FEU track team dahil sa kuwestiyonableng qualifications at isa ring 32-anyos na Armyman na si Sgt. Samuel Bernados, mula rin sa Isabela ang siyang umangkin ng ikalawang pu-westo sa qualifying run ng Milo Marathon na sponsored ngayong taon ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Ford Phils., at ng Department of Tourism.
Ang ikatlong puwesto ay napunta sa isa pa ring Armyman na si Sgt. Henry Bajo, 38-gulang upang kumpletuhin ang sweep ng Army at ang top 3 places sa mens division ng 20K run. Siya ay naorasan ng 1:19:02 at tumanggap ng P4,-000.
Sa womens division, kinuha ng 27-gulang na si Gawad ang maagang kalamangan na hindi na niya binitiwan hanggang sa itala ang kanyang magaang na panalo sa oras na 1:42:06.
Pumangalawa ang 33-anyos na si Nancy Tumpala, tubong Tuguerao na nagsumite ng 2:05:31 at pumangatlo si Flordeliza Cabutaje na nagbigay ng tiyempong 2:20:34.