Agad na kinana ni Angeles, 18-anyos na may taas na 5-foot-4 na anak ng isang may-ari ng ilang billiards hall sa Metro Manila ang dalawang rack na kalamangan sa simula ng laban na hindi na niya bini-tiwan pa.
Makaraang kunin ni Ranola ang third rack, muling nanalasa si Angeles nang kanyang walisin ang tatlong sumunod na racks para sa kampanteng 5-1 bentahe sa race-to-7 match.
Kapwa tinalo nina Angeles at Ranola ang kani-kanilang kalabang Singaporeans sa semifinals.
Pinatalsik ni Angeles si Amy Hoe, 6-3, habang niyanig naman ng 5-footer na si Ranola, na hinasa ang kanyang abilidad sa paglalaro ng billiards sa sariling lamesa na pag-aari ng kanyang pamilya sa Zamboanga si Zen Ong, rated No. 127 sa mundo, 6-1.
Sinilat din ng Philippines ang Singapore, 19-5 upang magwagi sa 8-ball team crown noong Sabado sa series na sponsored ng New Pagcor, Philippine Sports Commission, Bruinswick at Ivan Simonis.
Namayani naman ang Asian Games-bound na si Lee Van Corteza sa kapwa niya Asian Gamer na si Antonio Li-ning, 7-2 sa exhibition match ng tourney na may sanctioned ng Billiards & Snookers Congress of the Philippines.