Adducul hinugot ng Spring Cooking Oil

Hinugot si Romel Adducul, isa sa kinukunsiderang mahusay na professional basketball players ng bansa para lumaro sa Spring Cooking Oil sa prestihiyosong Yunnan International tournament na nakatakda sa Sept. 11-12 sa Yunnan, China.

"I’m happy that Rommel (Adducul) has agreed to play for us," ani Spring team owner at national shooting champion Nathaniel ‘Tac’ Padilla. "He’s definitely going to boost our title chances in the Yunnan tournament."

Naging libre ang 6-foot-6 na si Adducul kamakailan sa koponan ng Pangasinan makaraang magsara ang isa pang pro league sa bansa ang MBA.

Ang iba pang magpapakita ng aksiyon para kay coach Tito Palma’s Spring Cooking Oil sa Yunnan ay sina 6’9 Jeffrey Flowers, isa pang MBA star, seven-time PBA Best Import Bobby Parks.

Ang iba pang kukumpleto sa Spring squad kung saan si Ricky Magallanes ang assistant coach ay sina Braulio Lim, Carlo Espiritu, Rodel Manuel, Joel Co, Mario Reyes at Archer Calacar.

"With Adducul, Flowers and Parks playing together, Spring will be very competitive in the (Yunnan) tournament," dagdag pa ni Padilla.

Tatlong Chinese team sa pangunguna ng Liaoning Tigers, Hong Kong champion Pacific Long Distance Telephone at Australia’s Sydney Kings, winner ng nakaraang Jones Cup ang sasabak din sa aksiyon sa Yunnan.

Mahigpit na paborito ang Aussies at Tigers sa tournament na ito. Ang Sydney Kings ay babanderahan ng tatlong miyembro ng national team.

Show comments