Binigyan ng Filipinos ang Malaysians ng mabigat na hamon bago naitakas ang kanilang panalo sa pagsasara ng 18-year-and-under biennial meet na ito.
Nagkaroon ng tsansa ang RP-5 na madala ang laro sa overtime, subalit pumaltos ang jumper ni Jerson Torculas gayundin ang follow-up ni Jayfelson Agbayani kasabay ng pagtunog ng buzzer.
Tumapos ang Filipinos ng ikaapat na puwesto sanhi ng kanilang 1-3 record kung saan ang natatanging panalo ng Nationals ay mula sa mga kamay ng Singapore, 98-43.
Inaasahan na madaling maipapanalo ng Malaysia ang kanilang laban matapos na tambakan ang Singapore ng 82 puntos, 21 ang Indonesia at 12 naman ang Thailand para sa kanilang kauna-unahang panalo sa tournament na huling ginanap sa Indonesia noong 1998 kung saan ang Philippines ang siyang nag-uwi ng kampeonato.
Nakopo ng Malaysia at Thais, na tumapos naman ng ikalawang posisyon bunga ng kanilang 66-39 tagumpay laban sa Singaporeans sa penultimate game, ang karapatang katawanin ang rehiyon sa ABC Junior Mens Championship sa Disyembre.