Walang nai-score ang Perpetual Altas sa ikalawang quarter at halos 15 minutong walang nai-shoot na naging tuntungan ng Cardinals sa kanilang ikatlong panalo sa 4-laro.
Ang kahinaan ng Perpetual ay sinamantala ng Mapua sa pangu-nguna nina Edwin Sta. Maria at Edsel Feliciano na umiskor ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod upang ipalasap sa Altas ang ikatlong pagkatalo sa 4-laro.
Matapos mabokya sa ikalawang canto kung saan humakot ng 22-puntos ang Cardinals, nalimitahan naman sa 7-puntos ang Perpetual sa ikatlong quarter kung saan humakot naman ng 19-puntos ang Cardinals.
Ito ang naging daan para maiposte ng Mapua ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 45-puntos, 68-23 sa ikaapat na quarter.
Tulad ng Altas, masaklap na kapalaran din ang sinapit ng kanilang junior counterparts mula sa MIT Red Robins matapos ang kanilang 30-130 pagkatalo sa unang laro. (Ulat ni Carmel V. Ochoa)