Gaya ng mga nakaraan nilang laban, pinahirapan muna ng Filipinos ang Aussies bago sila yumukod dito sa iskor na 96-91.
Desidido ang Aussies na kanain ang kanilang panalo upang makabangon mula sa natamong pagkatalo sa mga kamay ng Lokomotiv Novosbirsk of Russia, 69-77 noong Biyernes upang pagandahin ang kanilang kartada sa 5-1 win-loss slate, habang nalag-lag naman ang Filipinos sa ikalimang puwesto bunga ng kanilang 2-3 kartada.
Humakot si Chris Brown ng 27 puntos, bukod pa ang anim na rebounds at apat na assists upang pangunahan ang kampanya ng Aussies kung saan nagdagdag naman si Butch Hay ng 17 puntos upang pahirapan ang RP quintet.
Tanging ang makatapos na lamang ng maganda ang nais na isakatuparan ngayon ng tropa ni coach Francis Rodriguez kung saan habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang pang nakikipag-laban ang All-Stars kontra Lions sa alas-5 ng hapon, bago isasara ng Filipinos ang kanilang kampanya kontra sa Japan sa alas-3.