Kumana si Tubid ng 18 puntos, siyam nito ay mula sa ikalawang extra limang minuto ng laro upang iahon ang Red Warriors sa dalawang sunod na pagkatalo matapos ang tatlong asignatura.
Mula sa 72-all pagtatabla, kumayod ng husto si Tubid upang ilarga ang 7-2 bomba at agawin ang trangko sa 79-74, patungong 1:58 ang nalalabi sa ikalawang extra period.
Pero nakalapit ang Falcons sa 77-79 mula sa tres ni Patrick Tiongco, pero agad ding sumagot si Tubid ng basket upang ilagay ang UE sa kampanteng 81-77 kalamangan, may isang minuto na lamang.
Mula dito, nagpalitan ng basket ang dalawang koponan kung saan huling nagbanta ang Falcons sa 82-79, may 31:12 na lamang sa laro kung saan tuluyan ng naipinta ng Red Warriors ang kanilang panalo. (Ulat ni Maribeth Repizo)