Tumapos si Soriano ng 23 puntos na tinampukan ng limang triples upang pangunahan ang Dolphins sa kanilang ikalawang panalo mata-pos ang kanilang tatlong asignatura, habang nalasap naman ng Heavy Bombers ang kanilang ikalawang kabiguan sa tatlong laro.
Hindi naging madali para sa Dolphins ang kanilang panalo maka-raang magbanta ang Heavy Bombers matapos na maibaba ang 11 puntos na kalamangan ng Taft-based dribblers, 67-56 patungo sa 71-76 may 3:00 minuto na lamang ang nalalabi sa laro.
Nakalapit pa ang JRU nang kumana ng dalawang tres sina McDonald Santos at Winsjohn Te sa 77-80 matapos na malimita ang Dolphins.
Subalit, nananatiling buo ang composure ng Dolphins sa mga sumu-nod na play nang manalasa sila sa free throw line nang umiskor sina Soriano at Roque ng tig-dalawa upang supilin ang tangkang paninilat ng Heavy Bombers.