Subalit taliwas naman sa kinasapitan nina Lee Van Corteza at ng beteranong si Rodolfo Luat na dumanas ng masaklap na pagkatalo upang samahan si Warren Kiamco na nauna ng nasibak sa pagsisimula ng knockout stage ng tournament.
Muli na namang pinagana ni Reyes ang kanyang mahika sa winner breaks format nang kunin ng batang Polish star na si Radaslaw Babica ang 2-0 kalamangan, bago nagawang umahon ni Reyes na nagpakawala ng mahuhusay na tira nang kanyang linisin ang siyam na sunod na racks para sa 9-2 panalo kung saan kanyang makaka-harap sa susunod na round ang 23-anyos na si Dennis Orcullo nang manaig naman kontra sa dating European champion at runner-up noong nakaraang taon na si Ralf The Kaiser Souquet, 9-8.
Hindi nasustinahan ni Corteza ang kanyang impresibong pamama-yani sa opening round nang sibakin siya ni Chinese Taipeis Kun-Chang Huang, 9-8, nabigo rin si Luat sa kalabang si Sin-Young Park ng South Korea, 9-6.
Gaya ni Reyes, naging impresibo rin ang mga tira ni Bustamante kung saan tanging sa 2-all, lamang niya pinagbigyan ang kalabang si Imran The Maharajah Majid ng England bago niya ito tuluyang pina-talsik sa iskor na 9-6.
Makakaharap naman ni Bustamante si Christian Reimering ng Germany na nagtagumpay kontra Victor Tapies, 9-1.
Magaang namang naitala ni Antonio Lining ang kanyang tagumpay nang pabagsakin si Nick Van Den Berg, 9-4, habang umiskor ng komportableng 9-3 panalo si Ramil Gallego kontra sa US veteran Jim Rempe upang isaayos ang kanyang pakikipaglaban kontra Japanese ace Takeshi Okamura sa round of 32.
Makakasagupa na-man ni Lining si Thomas Engert ng Germany.