Bullpups vs Blue Eaglets

Magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa UAAP basketball tournament sa pamamagitan ng dalawang juniors game sa University of Santo Tomas gymnacium.

Magsasagupa ang host National University at ng last year runner-up na  Ateneo Blue Eaglets sa unang laro, ganap na alas-10 ng umaga at susundan naman ito ng engkwentro ng UE Pages at UP Baby Maroons sa dakong alas-12 ng tanghali.

Hangad ng Eaglets na maduplika ang naging tagum-pay ng kanilang senior counterparts sa opening day noong Sabado sa Araneta Coliseum kontra sa NU Bulldogs, 82-77.

Ito rin ang layunin ng UP Baby Maroons matapos mamayani ang kanilang senior counterparts sa UE Warriors, 59-54.

Ang magtatagumpay sa twinbill ngayon ay hahanay sa Adamson Baby Falcons na siya pa lamang nakapagrehistro ng panalo matapos masilat ang defending juniors champion na UST Tiger Cubs. (Ulat ni Carmela V Ochoa)

Show comments