Paragua,4th sa Asian Junior Chessfest

Magandang pagtatapos ang ginawa ni International Master Mark Paragua nang tumapos ito ng ikaapat na puwesto sa 2002 Asian junior chess championship sa Club Palm Bay sa Sri Lanka.

Tinalo ng dating world under-14 rapid champion ang 15-gulang na si Susanto Megaranto ng Indonesia sa 40 sulungan ng kanyang paboritong King’s Indian Attack sa final round round upang makalikom ng 7.5 puntos katabla sina Sundararajan Kidambi ng India at GM Ghaem Maghami ng Iran.

Makaraan ang tie-break, bumagsak ang 18-gulang na si Paragua sa ikaapat na puwesto, habang napasakamay ni Kidambi ang ikatlong posisyon at nasa ikalima naman si Ghaem.

Dahil sa ipinakita ni Paragua, nangako naman ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na susuportahan si Paragua sa kanyang kampanya para sa Grand Master. Kailangan na lamang niya ng dalawang GM norms para makopo ang Grand Master titles.

Show comments