Sumandig ang UP Maroons sa husay ni Michael Bravo na tumapyas ng 25 puntos na ang apat nito ay pawang sa rainbow area kung saan ang huli ang siyang naglagay sa koponan sa 59-54 pangunguna may 3.3 ang nalalabing oras sa laro upang ipagkaloob sa State U ang kanilang magandang debut game.
Sinamantala ng Red Warriors ang malamlam na opensa ng Fighting Maroons sa unang bahagi ng laro kung saan nagtala lamang ito ng limang basket matapos ang 40 pagtatangka na naging daan upang iposte ng tropa ni coach Boysie Zamar ang 11-puntos na kalamangan, 26-15 sa pagtutulungan nina Paul Artadi, Ronald Tubid at rookie Rommel Canaleta may dalawang minuto na lamang ang nalalabi sa second quarter.
Subalit hindi nagpabaya ang Fighting Maroons at sa pagsisikap nina Jayarr Reyes, Abby Santos at Vicente Arnaiz nagawa nilang ibaba ang pundasyon ng Red Warriors sa pamamagitan ng 15-2 bomba upang agawin ang 33-28 kalamangan patungong 4:08 ang nalalabi sa third period.
"The boys never backed down despite our poor shooting in the first half. They really showed heart to win the game," ani coach Allan Gregorio na humalili sa kanyang nakababatang kapatid na si Ryan.
Tumapos si Reyes, nahirang na MVP, Rookie of the Year at Defensive Player noong nakaraang taon sa NCAA ng 9 puntos, apat na supalpal at tatlong rebounds.(Ulat ni Maribeth Repizo)