Ang 25th edisyon ng Jones Cup ay gaganapin sa Taiwan simula sa Hulyo 13-25 ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Cebuana Lhuillier Gems general manager Danny Francisco kahapon sa lunch at fellowship meeting sa mga miyembro ng Philippine delegation sa pangunguna ni coach Francis Rodriguez.
"Our team owner Mr. Jean Henri Lhuillier realizes the importance of giving our players the proper international exposure in order to further hone their basketball skills. We have prepared a small token to show our appreciation to the players and staff for agreeing to carry the Philippine flag in Taiwan," ani Francisco na naging miyembro rin ng 1989 National Junior Team.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing meeting sina MBA Commissioner Joaquin Loyzaga na nagbigay ng maikling pep talk sa mga manlalaro.
"I have seen how you guys have played thus far this season and I know you have the capability of going far in the tournament," ani naman ng Commissioner sa mga manlalaro. "Please give the millions of Filipino basketball fans something to cheer about."
Nakatakdang makipagtagisan ng lakas ang Filipinos sa mga powerhouse clubs at national teams mula sa Russia, Australia, Japan, Canada, South Korea, China at host Chinese-Taipei. Nakatakda ang debut game ng RP Five sa Lunes (Hulyo 15) sa alas-7:30 ng gabi kontra sa Russian na kakatawan sa Division II squad Lokomotive Novosibirsk.
Sa kaugnay na balita, idinagdag sa koponan ang 11th manlalaro sa roster ng Pangasinan Waves guard na si Kalani Ferreria."Kalani will add size to our guard rotation," paliwanag ni Waves head coach Lawrence Chongson kung saan siya ay aakto bilang assistant coach ni Rodriguez kasama si Batangas Blades coach Nash Racela.
Ang iba pang bumubuo sa koponan ay sina Romel Adducul ng Waves, Alex Compton at Eddie Laure ng Blades, Edgar Echavez at Bruce Dacia ng Gems, John Ferriols at Reynel Hugnatan ng RCPI Negros Slashers, Peter Jun Simon at Billy Mamaril ng Professional Davao Eagles at Jeffrey Flowers ng Gilbeys Olongapo Volunteers.