Clutario nasa kontensiyon pa rin

HONGKONG--Napanatili ni Liza Clutario ang Philippines sa contensiyon para sa women’s masters title ng 17th Asian Tenpin Bowling championships nang makaipon ito ng pinakamagandang score sa mga Filipino campaigners matapos ang first block ng kumpetisyon sa South China Athletics Association (SCAA) Bowling Center dito.

Ang kanyang kabuuang 1,620 pinfalls ay pang-pito sa ranggo sa kababaiahan kung saan pinamumunuan ng Korean keglersnang lima sa top 10 position ay kanilang inokupahan.

Nasa ikalawa sa ibaba ni Clutario ang doubel gold medalists na si Liza del Rosario sa 9th place sa kanyang iskor na 1,594 habang pang-13th naman si Ces Yap na may 1,561.

Ang tatlo ang nananatiling nasa kontensiyon sa top rthree spots sa grand finals ng isang linggong torneo na kinatatampukan ng best bowlers mula sa 22 Asian countries.

Sa men’s division, si CJ Suarez ang nasa pinakamagandang posisyon sa mga Pinoy na nasa 11th place sa kanyang 1,612 pinfalls kasunod si Biboy rivera na nasa 13th place na may 1,590.

Nabigo namang makapasok sa top 16 men at women’s sina Irene Garcia-Benitez na nakasama sa cut ng may agwat ng 10 pins lamang, Jojo Cañare, Kathylynn Ann Lopez, RJ Bautista, Chester King, Botchok Rey at 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno.

Show comments